Abante Tonite Interactive

Willie makakabangga si AlfredWillie makakabangga si Alfred

By
1,294

ROMMEL PLA­CEN­TE: Maugong ang balita rati na tatakbo bilang senador si Willie Revillame sa susunod na natio­nal election. Pero walang pagkumpirma na nanggaling sa kanya. Ang kaibigan niyang si Dinky Doo, sa isang interview nito, siya ang nagkumpirma na tatakbo ngang senador si Willie.

Pero may nakarating sa amin, mula sa isang reliable source, na ang tatakbuhin daw ni Willie ay congressman sa ­District 5 ng Quezon City. Siguro, nagbago ang isip ng TV host.

Pero mas mabuti na rin na mag-congressman muna siya, para mas una niyang matulungan ang mga kalugar niya sa QC, ‘di ba?
Si Congresman Alfred Vargas, ang kasalukuyang congressman ng District 5 ng QC, kung ang pagiging congressman ulit ang tatakbuhin niya, siya ang makakalaban ni Willie.

Nu’ng unang tumakbo bilang congressman si Cong. Alfred ay win agad siya. Tinalo niya ang noon ay kasalukuyang congresswo­man na si Annie Susano. So ibig sabihin, malakas ang hatak sa botante ni Cong. Alfred, na mahal siya ng kanyang constituent.

So ang tanong, this time, kung sila nga ang magkakalaban ni Willie, ganu’n pa rin kaya ang suportang ibibigay sa kanya ng mga botante sa kanyang distrito? Manatili kayang loyal ang mga ito sa kanya? O, ibibigay na nila ang boto nila kay Willie, dahil napapanood nila ito sa telebisyon thru “Wowowin” na marami ­siyang natutulungan?

Iisipin ng mga botante ng District 5 ng QC, kung si Willie ang iboboto nila, siguradong marami itong magagawa/matutulungan sa kanilang distrito. Pero si Alfred din naman, maraming magandang nagawa sa kanyang distrito, at marami ring na­tulungan, ‘di ba? Well, abangan na lang natin, kung ang pagiging congressman nga ba ang tatakbuhin ni Willie. Kayo mga ka-Cuatros, sa tingin ninyo, kung tatakbo ngang congressman si ­Willie sa District 5 ng QC, malaki kaya ang tsansa na manalo siya? Panahon na ba para pa­sukin niya na rin ang daigdig ng politics?

MILDRED BACUD: So kung matutuloy ang banggaan ng dalawa, popularity vs popularity. Pareho namang artista na kilala ng mga tao. Magi­ging bentahe ni Alfred ang ilang taon na ring serbisyo niya sa kanyang mga constituent. Pero hindi rin puwedeng isantabi ang pagtulong ni Willie sa pamamagitan ng kanyang programang Wowo­win. Dahilan para mahalin siya ng mahihirap.

Pero hindi ba’t may health condition si Willie sa puso, mga friend? Tanda niyo na kung ilang beses din siyang naospital nu’n? Hindi biro ang politics, bukod sa stressful ay grabe ang mga isyu dito kung ikukumpara sa showbiz.
Well, kung ako si Willie, hindi ko na papasukin ang showbiz. Hindi naman niya kailangan maging politiko para maka­tulong. Daig pa nga niya ang mga nasa gobyerno kung pagtulong lamang naman ang pag-uusapan.

RODEL FERNANDO:
Kung totoo ‘yan, mukhang mahihirapan si Willie Boy na matalo si Cong. Alfred Vargas dahil sa totoo lang ay napakalakas niya sa nasasakupan niyang distrito.

In fairness, masipag, tapat at seryoso si Cong. Alfred sa kanyang trabaho at serbisyo publiko. Isa pa, dumaan muna ‘yan sa pagka-konsehal nang ilang beses bago naging congressman.

Oo nga’t si Willie ay nakikita palagi sa TV na may tinutulungan sa kanyang programa pero hindi pa sapat ‘yun at maging basehan para yakapin siya ng mga residente sa kanilang distrito.

Puwede rin na tumakbo muna siya bilang konsehal at siguradong mananalo siya. Dito siya makakapagsimula ng serbisyo publiko na puwedeng matandaan at tumatak sa isip at puso ng mga tao.

Hindi sa ayaw ko kay Willie pero parang hindi pa panahon para sa napakalaking posisyon kung totoo man ang balita.

Maaaring sa telebisyon ay nakikitang napakalakas niya sa mga tao at nakikita ang pagtulong niya. Pero iba pa rin kapag nasa likod na ng kamera. Puwede naman siyang pumasok sa politika pero kailangang handa siya at hindi ‘yung basta tatakbo lang siya. Kung tutuusin, kaya naman niyang mag­lingkod sa tao pero huwag muna sa mataas na posisyon.

RONALINE AVE­CILLA: Ang taray, mga amiga. Wa na ako say. Labanang Alfred at Willie…Trulala o tsika.