Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie may P1M bonus sa mga tsuper

0 101

NI: VINIA VIVAR

Bayad na si Willie Revillame sa kanyang “utang” sa mga jeepney driver na matatandaang binigyan na niya ng ayuda last month amounting to P5 million. Siya mismo ang naghatid nito.

Matapos kasing maibigay ang P5M na ayuda, napag-alaman niyang hindi pala kumpleto ang listahan mga pangalang naibigay sa kanya. Dahil dito, nagkulang ang limang milyon. Kaya ang ending ay nagkautang pa siya.

Nangako si Willie na ibibigay ang kakulangan at tinupad naman niya ito.

“So, kanina ho, eh nagpunta na rito, siningil na ako,” pahayag ni Willie sa recent episode ng kanyang Tutok to Win.

SM food to go Banner Ad

Nagbigay ng karagdagang P1 million ang galanteng TV host kaya suma-total ay P6 million ang lahat ng nai-donate niya sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito ay nilinaw ni Willie na hindi niya nais magpasikat o magyabang sa ginagawa niyang pagtulong.

“Hindi ako tumutulong para magpasikat. Tumutulong ako dahil kailangan natin silang tulungan sa hirap ng buhay, lalung-lalo na ho ‘yung mga taong kapuspalad. ‘Yun ang pinakamaganda.

“Masarap matulog mamaya kapag may natutulungan. ‘Yun lang naman. Thank you Lord, ginagamit niyo itong programang ito para sa ating mga kababayan.

“Hangga’t may mga taong may ginintuang puso, huwag kayo mag-alala. Maraming tutulong sa ‘yo. Sa mga taong tumutulong, nakikita man o hindi nakikita, we salute you at salamat sa inyo ha,” pahayag ni Willie.

Bukod dito, sinabi rin ng TV host na plano rin niyang tulungan ang mga OFW ngayong Kapaskuhan na nawalan ng trabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.