Abante Tonite Interactive

Willie nag-walkout sa pag-epal ni hipon girl

1,575

Ni Ronaline Avecilla

Viral agad ang eksena sa isang episode ng “Wowowin.” Nag-walkout kasi ang host na si Willie Revillame dahil sa co-host na si Hipon Girl.

Si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang Sexy Hipon ay dating contestant ng “Wowowin.” Dahil sa pagiging kalog at taklesa nito ay nakuha siyang maging host ng show.

Sa kalagitnaan ng segment kamakailan, tinawag ni Kuya Wil si Sexy Hipon para kausapin ang isang contestant dahil sa mga similarities nila. Sinunod naman niya ang request ni Wil at inaliw ang mga audience sa balitaktakan nilang dalawa.

Sa isang tabi naman ay si Kuya Wil na nanonood lamang at nakikitawa habang si Sexy Hipon ay nagmistula nang host.

Ilang sandali lang ay nag-walkout na si Wil at naiwang lito at tulala si Sexy Hipon. Bakas sa mukha niya ang takot at kaba kaya naman agad siyang humingi ng tawad kay Wil.

Seryosong saad ni Wil, “Hindi eto, gusto niya mag-host na siya. Sa’yo na itong show na ‘to.”

Nag-aalalang tugon ni Sexy Hipon, “Joke lang Wil, balik ka na. Ikaw bagay na bagay sa’yo, perfect walang labis, walang kulang. Tapos ako epal lang ako dito.”

Sa pagmamakaawa ni Sexy Hipon ay bumalik si Wil mula sa backstage at idineklarang pasok ang tatlong contestant sa jackpot round.