Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie nagpatayo ng hotel sa dagat

0 627

Ang bongga ni Willie Revillame dahil kasalukuyan pala siyang nagpapagawa ng 7 star-hotel sa gitna ng dagat.

Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute.

Aniya ay napakasaya raw ni Willie ngayon at kapag kausap nga raw niya ay parang kumpletong kumpleto ang buhay.

“Nakalilipad na siya anumang oras papunta sa kanyang mga pinagagawang villa sa Iruhin, Tagaytay, at ganun din po sa Mindoro, sa pinagagawa naman niyang 7-star hotel,” sabi ni Nay Cristy.

Sa tubig daw mismo nagpapagawa ng hotel si Willie.

“Sa gitna ng dagat. Sa tubig mismo. Parang ginagaya niya ang Burj Al Arab sa Dubai,” sey pa ni Nay Cristy.

Sobrang hands on daw si Willie sa mga naturang proyekto and on the side ay may oras din daw ito para sa mga anak at apo.

“Si Willie, pag kausap ko ngayon, para bang kumpletong kumpleto na ang kanyang buhay. Sobrang inaangkin na niya ang panahon ngayon kasama ang kanyang mga anak at apo,” sey pa ni Nanay Cristy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.