Abante Tonite Interactive

Willie nilait ng contestant

1,975

NI: ARCHIE LIAO

Dahil bawal ang live show sa lockdown, sa Puerto Galera nag-remote si Willie Revillame ng kanyang show na “Wowowinn”.

Viral ang naging conversation niya sa isang contestant via phone patch.

Sey ng contestant, nanonood lang daw siya ng show ni Willie dahil ito ang paboritong panoorin ng kanyang tatay kaya no choice siya.

Hirit pa niya, mga female TV host lang daw ang type niyang panoorin at hindi tulad ni Willie na matanda na.

Bagamat natigagal, hindi naman napikon si Willie sa pagiging taklesa ng contestant.

Sey ng mga netizen, nakatagpo ang TV host ng kanyang katapat sa katauhan ng nasabing viewer from Davao.

Tonite – Wendys Inhouse Ad