Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie ninong sa kasal ni Glaiza

0 168

Noong nakaraang Disyembre, lumipad si Glaiza De Castro sa Ireland para makapiling ang kanyang fiance at future in-laws.

Ayon sa Kapuso actress, very fruitful ang kanyang trip dahil bukod sa naka-bonding niya ang pamilya ng boyfriend, nagkaroon din sila ng opportunity para makapag-shoot ng kanilang prenup videos sa nasabing European country.

Bagamat wala pa silang kongkretong plano tungkol sa kasal, aniya, malamang daw na mangyari ito sa 2022.

Nasa bansa na si Glaiza at natapos na ang kanyang quarantine mula nang bumalik sa Ireland.

Laking pasasalamat naman ni Glaiza sa Wowowinn TV host na si Willie Revillame sa naging tulong at suporta nito sa kanyang travel sa nabanggit na bansa.

Isa siya sa mga bumati sa ika-60 birthday nito kamakailan.

Dahil sa kanyang pagiging padrino kay Glaiza, ngayon pa lang ay may mga nagsasabing isa si Willie sa magiging ninong ng aktres sa kanyang kasal.

Si Glaiza ay engaged sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.

@@@

Sharon naudlot ang pagreretiro

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Megastar sa kanyang mga follower ang kanyang mga proyekto ngayong 2021.

Sa kabila ng pandemya, nagpapasalamat siya dahil patuloy ang pagdating ng blessings sa kanya.

Katunayan, fully booked na raw ang kanyang taon.

Ibig lang sabihin nito na hindi pa siya puwedeng magretiro.

Ani Sharon, dahil dagsa ang offers sa kanya, naniniwala siyang sign daw o pahiwatig ito ng Diyos na sa kanya na ipagpaliban muna ang kanyang pagreretiro.

Nakatakda niyang gawin ang isang teleserye para sa Vivamax.

Sobrang excited daw siya sa konsepto nito dahil mala-sequel daw ito ng isa sa mga paboritong pelikulang nagawa na niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagamat may mga plinaplantsa pang detalye, may gagawin din daw siyang TV series sa ABS-CBN.

Pinag-uusapan na rin daw nila nina Erik Matti at Dondon Monteverde, ang director-producer tandem niya sa Kuwaresma ang isang proyekto na malamang ay isang international TV series.

Bukod pa riyan, may album pa siyang tinatapos na compilation ng kanyang favorite songs.

May dalawa pa siyang offers na ayaw muna niyang ibigay ang detalye.

Humihingi rin siya ng suporta at dasal sa kanyang mga faney at supporters para matuloy ang mga nasabing projects.

Si Sharon ay nagbabalik bilang isa sa mga hurado sa Your Face Sounds Familiar sa Kapamilya Channel.

@@@

Rocco pinagyabang na ‘di cheap singsing ng esmi

Umano ng samu’t-saring reaksyon ang post-wedding post ni Rocco Nacino ng hypoallergenic rings na suot nila ang misis na si Melissa Gohing.

Ipinagmalaki pa niya ang kalidad umano ng nasabing mga singsing na idinisensyo ni Sep Vergara.

Hindi naman ito nakaligtas sa puna ng netizen na si @gagah41015 at nagkomentong: “Her ring looks like the one from #amazon , iyong pang fashion lang na mga $10.”

Hinamon naman ni Rocco ang naturang netizen at nag-reply na : “@gaga41015, I bet you buy this ring then from Sep Vergara.”

May kadugtong pa itong komentong : @gaga41015, iyong buong set, ha?”

May mga nayabangan sa post ni Rocco na anila’ý ipinamumukhang expensive ang rings na binili niya.

May kumampi naman sa aktor na dapat lang soplahin ang mga taong makapamintas lang at ‘di naman sigurado sa sinasabi.

Hirit naman ng ilan, hindi na raw dapat pinatulan ng Kapuso actor ang nasabing basher. Nega raw ang naging sagot nito .

May nagtanggol din na ang reklamo ng basher ay iyong design ng rings.

May bitchy netizen namang nagkomento na hindi cheap ang jewelry.

Leave A Reply

Your email address will not be published.