Abante Tonite Interactive

Willie Ong suportado ng pamilya Flavier

Doktor sa Senado ibalik:

228

Ipinakita ng pamilya ni da­ting Senador Juan Flavier ang kanilang suporta sa tumatakbo sa pagka-senador na si Doc Willie Ong.

Sa post sa social media ng page na Friends of Doc Willie Ong, ipinakita ang larawan ni Ong at ng dating senador na may ang caption na ‘Ibalik ang doktor sa Senado.’

Matatandaang naging da­ting kalihim ng Department of Health si Flavier bago ito na­ging senador noong 1995. Kabilang sa naiakda nitong batas ay ang Traditional Medicine Law at Poverty Alleviation Law.

Inspirasyon si Flavier para kay Ong, na naging consultant ng DOH at tinaguriang celebrity doctor dahil sa milyong follo­wer sa social media at mga online show nito na tumutulong na makapagbigay ng libreng konsulta sa mga may karamdaman.

Pinasalamatan ni Ong ang pamilya ng dating senador dahil sa pagbibigay ng suporta upang magkaroon muli ng doktor sa Senado.