Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie Ong tumuloy na VP bet

0 69

Tuloy na tuloy na ang pagtakbo ng super sikat sa social media na si Doc Willie Ong sa 2022 national elections bilang Bise Presidente.

Kahapon ay naghain na ito ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kasama ang ka-tandem na si Manila Mayor Isko Moreno sa ilalim ng Aksyon Demokratiko.

Sinamahan si Doc Willie na naghain ng COC ang maybahay nitong si Dr. Liza na dumaan muna sa

Sto. Nino de Tondo Parish Church sa Tondo upang humingi ng basbas bago tuluyang naghain ng COC sa may Hotel Sofitel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.