Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie pasabog ang sorpresa

0 757

Bukod sa patuloy na paghatid ng kasiyahan at papremyo sa Kapuso viewers, abala rin ang Wowowin host na si Willie Revillame sa pagpapagawa ng kaniyang resort sa Puerto Galera. Kuwento niya sa isang online media event kahapon, may iilan na ring mga kaibigang artista ang nakabisita roon tulad ni John Lloyd Cruz.

And speaking of Lloydie, makakasama niya ang aktor sa isang espesyal na segment ng isang online shopping ngayong Linggo, June 6. Ito rin ang magsisilbing pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd na mapapanood nga sa GMA.

“I talked to John Lloyd personally noong nandoon kami sa Puerto Galera. Ang ganda nito sa comeback mo, very special ‘yan. You have to watch that kung ano ang gagawin ni John Lloyd sa Sunday,” pagmamalaki ni Willie.

Tutukan ang pasabog na sorpresa ni Willie sa nasabing TV special .

Dingdong naging San Beda cheerleading squad

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay naging member pala ng San Beda Cheerleaders Association!

Ipinalabas sa isang episode ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ ang isang short video kung saan si Dingdong ay kasamang nagpe-perform para sa isang game.

Pak!

Gonzalez may serye na sa Kapuso

Kalat na ang pag-ober da bakod ni Beauty Gonzalez.

At ngayon ay kumpirmado nang mapapanood siya sa GMA-7 para sa isang upcoming soap. Excited na ang mga fan ni Beauty sa gagawin niyang serye at kung sinong Kapuso stars ang makakatrabaho niya .

Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.