Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie pinalakas ang loob ni Lloydie

0 246

Opisyal na ngang ni-welcome ni Willie Revillame si John Lloyd Cruz bilang isang Kapuso nang mag-guest ang aktor last Friday sa Wowowin.

Nang una kasing umapir si Lloydie sa Shopee last June na si WR din ang nag-arrange, hindi pa official na Kapuso ang aktor.

“Welcome sa Wowowin at welcome sa bago mong tahanan of course, dito sa GMA-7, welcome!” sabi ni Willie kay Lloydie.

Nagpasalamat naman ang aktor kay Willie na siyang taong naging dahilan daw ng kanyang pagbabalik.

“Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi lalakas ang loob ko, kung hindi dahil kay direk Bobot (Mortiz), hindi mabubuo ‘yung kumpiyansa na bumalik. Kung hindi dahil sa pamilyang nabuo namin nina direk Bobot, di ba, hindi mabubuo ‘yung nag-udyok sa akin na bumalik at magtrabaho ulit,” sabi ni Lloydie.

Ni-recall ni Willie na dumaan sila sa butas ng karayom ni Lloydie para maging smooth ang paglipat ni Lloydie. First thing ay nagpaalam daw muna sila sa ABS-CBN President na si Karlo Katigbak.

“I’m thankful to Mr. Karlo Katigbak dahil pinagpapalam kita, naalala mo? Siyempre, ‘yung respect natin sa kanila, na sabi ko, magiging guest ka sa Shopee, and then, okay naman. In fairness to Mr. Karlo Katigbak, napaka-gentleman.

Dignified na tao. ‘Willie, wala naman kaming (magagawa), hindi ko naman siya pwedeng pigilan, siya naman ang pwedeng magdedisyon niyan.’ Kaya Karlo Katigbak, Sir, maraming salamat, now he’s part of dito na, magkasama na kami, with of course, your permission,” sabi ni Willie.

Mahaba ang oras na ibinigay ni Willie kay Lloydie para na rin makapag-promote ito ng sitcom nito sa GMA-7 na Happy Together na magsisimula na sa Dec. 26.

Ellen ‘di buntis-Derek

Hindi naman pala buntis si Ellen Adarna tulad ng espekulasyon ng iba.

Kinumpirma raw mismo ni Derek Ramsay na hindi nagdadalang-tao ang kanyang misis.

Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang vlog with Mama Loi ay tinanong niya mismo si Derek kung buntis nga si Ellen.

“So dahil tayo ay nagugulumihanan, Loi, eh tinext ko si Derek kung true na buntis si Ellen. Pero ang sabi ni Derek, ‘No, she is not.’ O alam na. hindi buntis si Ellen,” sey ni Ogie.

Matatandaang nagsimulang mag-speculate ang mga netizen na buntis si Ellen nang mag-wish si Derek nang mag-blow ng candle sa kanyang birthday cake na “I wish it’s a boy.”

Ayon pa kay Ogie ay baka raw wish lang talaga ni Derek na magka-baby na sila ni Ellen at boy nga ang wish niyang maging first baby nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.