Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie proud lolo sa bagong baby ni Meryll

0 116

NI: VINIA VIVAR

Matapos ibunyag ni Meryll Soriano sa mundo ang kanyang bagong baby kay Joem Bascon, ang sumunod na Instagram post ng aktres ay ang larawan nila ng baby kasama ang ama niyang si Willie Revillame.

Obviously, base sa post, ipinakilala na ni Meryll sa ama ang pangalawang apo nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Simpleng “with Lolo” lang ang caption ni Meryll sa dalawang larawang ipinost kung saan ay makikitang karga-karga ni Willie ang baby. Kitang-kita rin sa photo na proud lolo ang TV host.

Ang bagong baby ang pangalawang apo ni Willie kay Meryll and of course, isa na ring tagapagmana ng milyonaryong TV host. Ang unang apo niya ay si Elijah Palanca na anak ng aktres sa ex-husband na si Bernard Palanca.

Elijah is now thirteen years old, napakagwapo at pwede ring artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.