Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie, Raffy bet ni Digong sa Senado – PDP exec

0 63

Isiniwalat ng isang opisyal ng PDP-Laban na mayroon na umanong inisyal na listahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pambato niya sa pagka-senador sa 2022 election.

Ayon kay PDP-Laban provincial chairman at Eastern Samar Governor Ben Evardone, kabilang sa inisyal na listahan ay mga miyembro ng gabinete, tv personality at reeleksiyonistang senador.

“He is now finalizing his lineup na i-endorse niya,” pahayag ni Evardone sa Politiskoop.

Kasama umano sa senatorial lineup ng Pangulo ang mga tv host na sina Willie Revillame at Raffy Tulfo.

Bukod sa dalawang tv personality, kabilang din aniya sa listahan sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, Presidential Spokesman Harry Roque, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, reelectionist Senator Juan Miguel Zubiri at Antique Rep. Loren Legarda. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.