Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie, Randy, John lusot sa wasak na friendship

0 338

ROMMEL PLACENTE: Nakatutuwang malaman na hanggang ngayon ay intact ang pagkakaibigan nina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago. Kahit hindi sila nagkikitakita, ay hindi naman natigil at nawala ang kanilang communication. Kamakailan, nang i-celebrate ni Willie ang kanyang 60th birthday sa kanyang show na Tutok To Win ay present sina John at Willie. Nag-reunion ang magkakaibigan. Dumating din si Direk Bobot Mortiz, ang isa pa nilang BFF na itinuturing din nilang mentor pagdating sa pagho-host ng noontime show. Nagkasama dati sina John, Randy at Willie sa Magandang Tanghali Bayan.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Randy ng litrato nila na ang caption, “Pagkatagal tagal naming hindi nagkita-kita at sa mga mahahalagang okasyon ay sinisiguro naming magsama-sama.Sa pagkakataong ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-60 na kaarawan ng aming kapatid na Willie. Maligayang Bati ‘Kuya Wil’ We Love You.”
Kasunod nito, isa pang photo ang ibinahagi ni Randy na kasama naman nila si Direk Bobot.

At ang sabi naman niya sa caption, “MTB Boys kasama ang aming mentor, Direk Bobot. Sarap balik-balikan ang aming mga pinagsamahan.Mga panahong tumatawa sa mga nakakatuwang kalokohan sa MTB at umiiyak dahil lagi kaming suspended ng MTRCB.Kuwentuhang walang katapusang tawanan. Happy 60th Birthday kapatid na Willie,”

Ang sarap balik-balikan talaga ang memories na kasama ang mga tunay na kaibigan. Sana nga ang pagkakaibigan nila ay forever na.Natatandaan namin nagkaroon ng awayan noon sina Willie at John Naayos lang nang magounta ang una sa burol ng tatay ng huli.Hindi nila hinayaan na tuluyang masira ang pagkakaibigan nila.

RODEL FERNANDO: Sa showbiz, bihira lang talaga sa magkakaibigan ang nagtatagal at napapanatili.True ka Rommel yung friendship nina John, Randy at Willie ay nagtagal na dapat tularan ng ibang magkakaibigan sa industriya. Sina Maja Salvador at Kim Chiu, best of friends sila rati pero nasira ang friendship dahil kay Gerald Anderson.

Kung natatandaan ninyo, nu’ng nakipaghiwalay si Kim kay Gerald ay si Maja ang shoulder to cry on ni Kim. Ito nga kasi ang tinuturing niyang best friend pero nagulat na lang si Kim na niligawan ni Gerald si Maja at sinagot naman ng una ang huli. Na naging dahilan nga para masira ang kanilang pagkakaibigsan. Siyempre sumama ang loob ni Kim kay Maja.Yung taong nagpayo sa kanya na marami naman daw lalaki ay siya pa pala ang makakarelasyon ng kanyang ex. Ang sakit di ba?

SM food to go Banner Ad

MILDRED BACUD: Minsang sinubok ang friendship nila Randy Santiago at Willie Reville taong 2017 nang mag-resign ang una bilang direktor sa show ng huli. Pero mariing tinanggi ni Randy na nagkaroon sila ng sama ng loob ng kaibigan. Purely work lang daw ang dahilan kung bakit kinailangan lisanin ng singer/actor ang show ng kaibigan at that time dahil sa role niya sa La Luna Sangre. Pero tanda ko rin ha 2011 ng magkaroon din mg tampuhan sina John at Willie dahil tinanggap nila ni Randy ang isang afternoon show sa ABS CBN na pumalit dati sa show niya. Dahilan para di raw dumalo si Willie sa kasal nina Priscilla at John. Nagkabati lang sila sa burol ng ama ni John ng yakapin siya ng TV host.

Ang pagkakaibigan na pinanday ng panahon, ay mahirap talagang matibag tulad ng friendship nina Randy, John at Willie.

ROLDAN CASTRO: Bihira sa showbiz ang matatag ang friendship. So, kahanga-kahanga ang pagkakaibigan nina Revillame, Santiago at Estrada kahit hindi na magkakasama sa show.

Ibang-iba sila sa mga artista na shooting friends kung ituring. ‘Yung after shooting o tapos na ang show ay nawawalan na ang komunikasyon at pagkakaibigan.

Saludo kami sa samahan nilang tatlo dahil hindi showbiz at solid pa rin.

Marami kasi sa industriya yung kaibigan ka lang pag nagagamit ka at napapakinabangan. Pero nawawala sila ‘pag wala ka nang silbi sa kanila. Nandiyan ‘yung plastikan, siraan nang talikuran at ahasan.
Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.