Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie sinita ang mga politikong nag-aaway

0 80

NI: Vinia Vivar

Aminado si Willie Revillame na labis niyang ikinalulungkot ang nangyayari ngayon sa bansa lalo pa nga’t nalalapit na naman ang eleksyon.

Sa recent Wowowin episode ay nagbigay ng paalala si Willie sa mga botante na iboto ang karapat-dapat.

“Isang buwan na lang, filing na ng mga kakandidato, ‘di ba? Kailangan, ‘yung iboboto n’yo, ‘yung talagang may pagmamalasakit sa inyo. ‘Yung talagang nandiyan para magsilbi sa inyo. ‘Yung talagang nandiyan, anytime lumalabas ng bahay para magsilbi,” pagpapaaalala ni Willie.

Para sa kanya, ang dapat iboto ay ‘yung mga kandidatong may puso sa mga mahihirap.

“Hindi pwedeng puro karunungan lang. Hindi pupuwedeng puro Ingles-Ingles lang. Kailangan ‘yung busilak ang puso. Hindi ka man marunong mag-Ingles pero ang puso mo naman, taus-pusong pang-Pilipino. Yan ang dapat,” aniya.

Inihayag din ni Willie ang kanyang pagkadismaya sa ilan sa mga politiko na ibinoto ng sambayanan pero walang ginawa kungdi ang mag-away.

“’Yan ba ang ibinoto natin? Walang ginawa kungdi mag-awayan? Ito ba ang panahon para magbangayan? Ito ba ang panahon para magsisihan? Ito ba ang panahon para sisihin mo kahit sino?

“Ito ang panahon para gumawa kayo ng kabutihan sa pinagdadaanan nating lahat ngayon. Ang daming kawawang nagugutom,” ang seryosong saad ni Willie.

Related Posts

“Nakakalungkot, ang dami nating pinagdadaanan tapos nag-aaway-away kayo. We voted for you para mag-away-away lang kayo,” dagdag pa niya.

Panawagan ni Willie sa mga politiko, “magkaisa tayo, magsama-sama, tulungan ang mahihirap, tulungan ang mga nagsisilbi, mga frontliners.”

Hindi maitago ng TV host ang pagkalungkot at pagkadismaya kaya humingi naman siya ng dispensa sa manonoood.

“Pasensya na kayo dahil di ba? Ang hirap, eh. Ang hirap ng pinagdadaanan natin, tapos ganyan nakikita mo,” aniya.

Sa huli ay sinabi ng TV host ang mga linyang “hindi natin kailangang naka-posisyon para makatulong. Kailangan, busilak ang puso mo, nasaan ka man.”

Ibig kayang sabihin nito ay nagdesisyon na si Willie na hindi na tatakbong Senador sa 2021 elections? Yan ang malaking tanong ngayon.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang announcement si Willie kung tinanggap na ba niya or tinanggihan ang offer ni Pres. Rodrigo Duterte na tumakbong Senador sa ilalim ng kanyang Partido.

Well, next month na ang filing ng candidacy and by then ay malalaman na natin kung ano ba talaga ang kanyang final decision.

Leave A Reply

Your email address will not be published.