Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie tinalakan ang mga politiko

0 108

Kasabay ng kanyang announcement na hindi na siya tatakbo sa kahit ano’ng posisyon, naglabas ng kanyang hinaing si Willie Revillame sa mga politiko na mas inuuna pa ang sarili kaysa kapakanan ng mga tao.

“Ano ang nangyayari sa ating bansa ngayon? Walang unity. Tatakbo kayo para makaganti sa dating namumuno. Tatakbo tayo para hindi makapasok ang isang namumuno. Ganu’n ba? Ganu’n ba ang pagserbisyo sa bansa natin? ‘Yan ba ang iniisip ng bawat politiko?” seryosong sabi ni Willie sa kanyang Wowowin show last Thursday.

Dahil sa nakikita raw niyang nangyayari ngayon sa mga politiko, isa na rin ito sa nakapagpa-decide sa kanya na huwag nang pasukin pa ang politika.

“Sa nakikita ko ho ngayon, nakikita kong hindi nagkakasundo, nakikita kong nagbabangayan, nakikita kong pataasan ng ere, hanapan ng dumi, sabi ko, napakahirap pasukin ng isang bagay na ganito ang papasukin ko,” aniya.

Ayon sa TV host ay hindi naman daw sa nagmamagaling siya pero sa loob ng maraming taon ng kanyang pagho-host ay nakita niya ang paghihirap ng libo-libo nating kababayan.

“Dapat ‘yun ang pinag-uusapan n’yo sa Senado. Anon’g ibibigay na batas sa mga taong naghihirap? Ilang batas na ang ginawa n’yo pero binabago n’yo,” aniya.

“Alam n’yo, hindi ako nagmamagaling, hindi ako magaling na tao, I’m not a bright person, pero ang puso ko ho, laging may pagmamahal. Nagkakamali ako, nagagalit ako, namumura ko staff ko, pero humihingi ako ng tawad,” dagdag pa niya.

Nagbigay rin ng mensahe si Wilie sa mga politiko. Aniya, “sana, lahat ng politiko, hindi politiko. You should be a public servant. The word ‘politics’ tanggalin n’yo ‘yan sa puso’t isip n’yo. You need power? At the end of the day, lahat tayo nakahiga. Pantay-pantay lang tayo sa kabaong.”

Inengganyo rin niya ang mga botanteng Pinoy na isipin ang ating kinabukasan sa pagboto.

“This time, it’s about our future. Kinabukasan ng ating mahal sa buhay, magiging anak ng anak natin, ‘yun ang isipin n’yo. Dapat magkaisa tayo,” pahayag ni Willie.

P80 M ayuda ng TV host di tinanggap

Samantala, pinuri rin ng TV host si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi nito tinanggap ang 50 million pesos na donasyon niya para sa mga naapektuhan ng pandemya.

Kwento niya, last year daw ay kinausap niya si Presidential Spokesperson Harry Roque at Sen. Bong Go

“Sabi ko kay Sen. Bong Go, ‘Senator, meron akong tsekeng 50 million, kahit 100 million, ipagkakaloob ko kay Presidente.’ Sa kanya lang ako nagtitiwala at pwede naman niyang ibigay sa DSWD,” kwento ni Willie.

SM food to go Banner Ad

“Sabi nila, hindi raw magandang tingnan which is naintindihan ko. Hindi magandang tingnan kasi pangit tumanggap ang Presidente. Pero ‘yun ang nararamdaman ko, eh. 50 million, 100 million, hindi ito pag-aangat ng sarili ko, totoo po ‘yan, alam ‘yan ni Sen. Bong Go.

“That was last year, nang nagkakaroon tayo ng lockdown. Sabi ko, aanhin ko ‘yang naka-time deposit na pera? Aanhin ko ‘yan? Ang daming nangangailangan.

“Pero hindi naman nila tinanggihan. Sabi lang nila, hindi magandang tingnan,” lahad ni Willie.

Pinayuhan daw siya ni Sen. Bong Go na siya na lang ang mamahagi ng pera sa mga nais niyang tulungan at ‘yun nga ang ginawa niya.

“Kaya ang ginawa ko, nagbigay po ako sa jeepney drivers, pumunta ako sa lahat ng mga binagyo, ‘yung worth ho nu’n, 50 million, naipamigay ko ho ‘yun,” wika ni Willie.

Faye mabenta ang video

Hanggang ngayon ay hit pa rin sa YouTube ang video ng comedy sketch sa Bubble Gang nina Faye Lorenzo at Archie Alemania uploaded last year at ngayon ay mahigit 43 million views na.

Dahil nga dito ay tinawag nang Viral Queen si Faye at dito na rin nagsimula na magkaroon siya ng pangalan.

Ayon kay Faye ay talagang nagulat siya na nag-viral ang video pero wala naman daw pressure sa kanya.

“Hindi naman po ako napressure, kasi parang hindi ko nga po ine-expect na magvi-viral po ‘yun, ‘yung sketch ko, kasi po siyempre as baguhan pa po ako nun talaga, so parang nagulat ako. Nakakatuwa rin siya sa feeling na napansin ka, ibig sabihin (“may ibubuga”) ka po, kasi napansin ka nung mga tao. So, para sa akin, ‘wow nakakatuwa naman,’” sey ni Faye sa panayam ng GMA-7.

Dream ni Faye na tulad ng idol niyang si Michael V. ay makagawa rin siya ng sarili niyang comedy sketch sa Bubble Gang at positibo naman siyang mabibigyan din siya ng chance.

“Yes po, bawat isa naman po sa amin binibigyan po ng chance kung saan ka babagay, e, binibigay naman po ng Bubble Gang chance, so feeling ko magkakaroon din po ako ng ganun,” she said.

Kamakailan nga lang ay pumirma si Faye ng management contract sa GMA Artist Center at sobrang thankful ang sexy comedienne sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“I’m very grateful kasi sobrang bait sa akin ng GMA-7 tapos pinagkatiwalaan na naman nila ako. So, sobrang happy! Ang hirap i-explain talaga ‘yung nararamdaman ko. Sobrang saya ko sa GMA Artist Center, sa GMA and sa mga bosses. Grabe ‘yung tiwala nila sa akin,” sabi ni Faye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.