Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie tinawag na mabunganga

0 53

Hindi maawat ang tawa ni Willie Revillame sa isang female caller sa Wowowin na nagsabi ng impression nito sa kanya. Sinabihan kasi siya nito na mabunganga.

Dahil nga nagdududa rin ang caller kung si Willie ba talaga siya ay sinakyan naman ito ng TV host at sinabing hindi siya si Willie.

Biro ni Kuya Wil, hindi raw niya kilala si Willie Revillame.

Sey ng caller, “eh ako, kilalang-kilala ko ‘yun. Kilalang-kilala namin dine ‘yun.”

Sagot ni Kuya Wil, “hindi namin kilala ‘yun. Sino ba ‘yun? Yabang-yabang ‘yun.”

Kinontra naman ito ng caller, “hindi po, napakabait po nu’n. Kahit po ‘yun eh mabunganga, mabait po ‘yun.”
Humagalpak ng tawa si Willie sa sinabi ng kanyang kausap.

“Mabungaga ba ‘yan?” natatawang tanong ni Willie.

“Opo, kahit strikto ‘yun, napakabait po nu’n,” sagot ng caller.

Tanong ulit ni Willie, bakit nasabi nito na mabunganga siya.

“Eh laging pinapagalitan ang staff,” sagot ng caller.

Ang lakas ng tawa ni Willie.

Tanong niya ulit, “bakit n’ya pinapagalitan ang staff niya?”

“Gusto niya, kailangang maayos lagi ang programa, eh tama naman ‘yun,” sey ng caller.

Natuwa naman si Willie sa sinabi ng kausap. Hirit pa niyang tanong, “bakit, ano nararamdaman mo, pinapagalitan n’ya mga staff?”

Sagot naman ng caller, “eh nakakatuwa po, eh para rin po sa inyo ‘yun at sa programa n’yo.”

Natuwa ulit si Willie at pinuri niya ang caller. “Ang galing nito,” papuri ni Willie.

Tom , Carla ‘familymoon’ sa Tate

Ngayong darating na Holiday Season ay first Christmas and New Year ni Tom Rodriguez na isa na siyang married man. As we all know ay kakasal lang nila ni Carla Abellana last October.

Sa virtual mediacon ng The World Between Us ay natanong nga si Tom kung ano ang Christmas plans nilang mag-asawa.
Excited na sabi ni Tom, pupunta sila sa US ni Carla.

“Pwede na mag-travel ulit. Eh meron akong maybahay, eh. Makakasama ko si Misis, pupunta kami ng States finally for the first time since the pandemic, para mag-celebrate do’n kasama ‘yung family ko naman sa States,” sey ni Tom.

Nang tanungin kung honeymoon na ba ito aniya ay familymoon ang mangyayari dahil kasama nila ang pamilya nila.

“In a way parang 2 familymoon, kasi ngayon may family moon kami kasama ang pamilya ni Carla dito lang sa Philippines, tapos du’n naman magka-cabin kami up north sa Arizona. May konting snow, so mas ramdam namin ang Christmas na magkakasama kami,” pagbabahagi ni Tom.

Leave A Reply

Your email address will not be published.