Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie tsinugi mga dancer

0 2,402

NI: VINIA VIVAR

Apektado rin ang Wowowin ni Willie Revillame sa lumalalang COVID-19 cases sa bansa. Ibinahagi ng TV host na nagbawas sila ng staff ngayon.Very limited lang ang nagre-report na tao sa show bilang pag-iingat na rin at bilang pagsunod sa ECQ safety protocols.

Aniya, pati ang mga dancer nila ngayon sa show ay tsugi muna.

“Nagbawas po kami ng mga staff, sumusunod kami sa requirement na 30% lang. So, ‘yung mga ganitong bagay. . .idi-discuss ko muna lahat. Wala muna kaming mga dancers, of course, naiintindihan naman nila ‘yon. Kailangan ho ay safety first,” pahayag ni Willie sa show.

“Kasi pag ako ho ay nagkasakit, eh lahat sila, magku-quarantine. At the same time, mawawala ho ‘yung programa.

“So, iniingatan po namin, especially ako, dahil siyempre pag nagkasakit ho ako, eh kasama ho silang lahat sa quarantine.

“So, maingat ho kami. Iilan na lang ho kami dito. Kokonti na lang ho kami,” dagdag niya.

Ni-require rin niya ang mga staff na laging magsuot ng face mask and face shield.

“Lahat ho kami rito, required kami, sumusunod kami sa ating pamahalaan na naka-face mask and face shield.

“Even sa pagkain namin talaga, malalayo na. Kakain nga ho ako, mag-isa lang. Dati, kasama ko ‘yung mga staff,” aniya pa.

Nakipag-meeting nga raw siya sa GMA-7 at iminungkahi niya na mag-lockdown siya kasama ang mga staff at sa ibang lugar mag-show.

“Baka ho, at nakikiusap ako, para ho mag-lockdown kami mismo, eh baka ho by next week, doon muna kami sa ibang lugar. Kami po ay magba-bubble. Sa Puerto Galera po ako magso-show at maganda naman, kakamustahin natin ang ating mga kapatid nating katutubo ro’n. Baka ho next week ganu’n ang mangyari, pag na-approve kami,” pagi-inform niya.

Pero siniguro naman ni Kuya Wil na tuloy pa rin ang pagtulong ng programa sa ating mga kababayan kahit pa nasa ECQ tayo ngayon. In fact, mamamahagi raw sila ng worth P3 million pesos na bigas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.