Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie tulay ni Billy sa GMA

0 149

Magbabalik na ba sa GMA-7 si Billy Crawford? Naitanong namin ito dahil may mga pahaging si Willie Revillame sa Wowowin show niya last Thursday.

Sa umpisa pa lang ng show ay binati na ni Willie si Billy at asawa nitong si Coleen Garcia na nanonood daw nang araw na ‘yun.

Unang pahaging ni Willie, aniya, kapag wala siya sa show ay puwedeng pumalit si Billy sa kanya.

“Kung wala kang show, pwedeng ikaw ang pumalit muna sa akin muna, eh. Kaya lang, may show siya, eh. Di ba, after Willie, Billy?” sey ni Willie.

Kuwento pa ng TV host, nag-text daw sa kanya si Billy at sinabing naa-appreciate nito ang Wowowin.

“Naa-appreciate niya itong programang ito. So, for someone na nabibigyan ka ng respeto, binabalik ko ‘yan, eh,” ani Willie.

Kasunod nito ay nagbigay siya ng mensahe kay Billy. “Huwag kang mag-alala, Billy. Darating ang time mo na magsosolo ka. Kasi, you have it already. Nakukuha mo na, eh.”

Payo pa niya, “pero tandaan mo, yayakapin mo ang mga mahihirap dahil doon mo mararamdaman kung ano ang mga binubulong nila araw-araw.”

Sabi pa ni Willie, “ako, gusto ko lang malaman n’yo, siyempre, hindi naman ako tatagal eh, 60 yrs. old na ako. Si Billy Joe is only 39, magpo-40 lang siya. Siyempre, dumating ang time na gusto ko rin magpahinga. Nu’n ko pa sinasabi sa inyo, meron ba akong pwedeng ipalit muna?”

“Hindi ako makapagbakasyon, almost 7 yrs na ako rito sa GMA, wala pa akong bakasyon. Ang bakasyon ko lang ho ay Holy Week.”

Maya-maya, ibinahagi ni Willie na nag-text daw si Billy at sinagot ang kanyang payo.

“Yes po, pangako ko po ‘yan,” ang sagot ni Billy kay Willie.

Sey pa ni Willie, pareho sila ni Billy na sa GMA-7 nagsimula, napunta sa ABS-CBN at pagkatapos ay sa TV-5.

Does this mean na magiging pareho rin sila na after TV-5 ay balik-GMA-7?

SM food to go Banner Ad

Well, that remains to be seen. Pero the fact na may mga ganitong pahaging si Willie, mukhang may pagkilos nang nagaganap at baka nga siya pa ang tumutulong kay Billy tulad din ng ginawa niyang pagtulong kay John Lloyd Cruz nang lumipat ito sa Kapuso.

Ara nalansahan sa halik kay Lassy

Isa sa highlights ng latest offering ng Vivamax na Sarap Mong Patayin ay ang kissing scene ng mga lead stars na sina dating beauty queen Ariella Arida at gay comedian Lassy Marquez.

Sa virtual mediacon na ginanap para sa naturang pelikula ay panay ang tawanan nila nang ikuwento ni direk Darryl Yap na si Lassy pa raw ang nag-second thoughts sa kissing scene.

“Si Ara (Ariella) nang tanungin ko kung okay ba sa kanyang makipaghalikan siya kay Lassy, si Ara gumanito agad, ‘okay lang direk, no problem.’ Pero nun’g si Lassy ang tinanong ko kung okay lang ba sa kanya na halikan niya si Ara na Miss Universe, ang sagot ni Lassy, ‘talaga ba, direk? Sure ka?’” kwento ni direk Daryll.

Sambit naman ni Lassy, ‘Yuck! Nakakadiri, babae!” Tawanan.

Pero bawi naman niya, natanggap na rin niya late on kaya nang kukunan na ang eksena ay handang-handa naman siya.

Biro pa niya, “sinadya kong hindi mag-tootbrush. Kasi malansa ‘yung pelikula, di ba?”

Nang tanungin naman si Ariella kung kumusta ang halik ni Lassy, sey niya, “pinakamalansa sa lahat ng malansa, sa lahat ng isdang malansa.”

Ganting biro pa ng beauty queen, “kung sabi ni Lassy, hindi siya nag-tootbrush, okay lang, nahalikan naman niya ‘yung sipon ko.”

Pero kidding aside, kumportable naman daw siya kay Lassy at talagang hindi naman daw siya nagdalawang-isip na halikan ito.

Samantala, ang “Sarap Mong Patayin” ay first lead role ni Ariella. Tungkol ito sa “catfishing” na ang ibig sabihin ay ang paggamit ng ibang imahe sa social media para makapanloko ng tao at makuha ang mga gusto nila.

Streaming na ang Sarap Mong Patayin sa Vivamax simula sa October 15. Kasama rin sa pelikula sina Kit Thompson at Bob Jibeili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.