Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie tumalak sa pekeng tsika

0 101

Pinabulaanan ng Wowowin ang kumakalat na balitang nagbigay daw ng mensahe ang host na si Willie Revillame kay Pangulong Rodrigo Duterte III.

Sa kumalat na post sa social media ay naka-quote si Willie na nagpapayo kay Pres. Duterte ng ganito: “Mr. Duterte aanhin mo ang magandang kotse at jetplane kung marami kang kababayang naghihirap na nalunod sa baha. Ibenta mo na ang hindi kailangan. I think it’s the right time.”

Sa caption ay nagbigay ng warning ang Wowowin na huwag maniwala sa nasabing fake news.

“ATTENTION! Ang larawan na ito ay FAKE NEWS. Kailanman ay hindi ito sinabi ni Kuya Wil. ‘Wag basta-bastang maniniwala sa mga ganitong balita!” ang babala ng Wowowin.

Ang nasabing statement ni Willie ay edited at nagkaroon ng bawas/dagdag dahil ang orihinal na sinabi ng TV host sa kanyang Wowowin show last week ay ito: “Aanhin ko ang magandang kotse kung marami ang kababayang naghihirap. Kahit magbenta pa ng pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think it’s the right time.”

Sinabi ito ni Willie matapos niyang ibenta ang kanyang mamahaling sasakyan na Range Rover para i-donate sa mga nasalanta ng baha sa Marikina at Rodriguez, Rizal.

Clearly, walang sinabi si Willie na “Mr. Duterte” at lalong hindi para sa Pangulo ang statement niyang ito. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.