Abante Tonite Interactive

Willie umastang ama ni Thirdy

625

Nagkausap na sina commissioner Willie Marcial at Thirdy Ra­vena, ­nangako ang PBA boss na tutulungan ang dating Ateneo star sa panahong gusto na nitong magpa-draft sa pro league.

Hindi sumali si Ravena sa draft noong nakaraang ­December gayong tapos na ang playing years niya sa Blue Eagles.

Itinanggi ng utol ni Kiefer na may iniiwasan siyang team kaya hindi nagpa-draft. Columbian, Blackwater, NLEX, Alaska at Meralco ang top five sa order ng selection. Naging makulay ang collegiate career, naihatid ang Ateneo sa UAAP championship at naging Finals MVP pa, mataas ang projection kay Thirdy sa draft, hinuhulaan pang maging top pick.

Idinahilan niyang ­nagkaroon ng offer para maglaro siya abroad sa Australia o Japan, ­bagay na ayaw niyang palagpasin.

May isang hindi masyadong pamilyar na rule sa PBA na bibigyan ng two-year ban ang rookie prospects kung dalawang sunod na draft year silang nangayaw. Ginawa raw ito para ma-discou­rage ang player na mamili ng team na gusto niyang paglaruan.

“Si Thirdy, nagtatanong at nagpapatulong. Sabi ko, ‘Oo,’” ani Marcial matapos silang makita ni Thirdy na nag-uusap sa praktis ng Gilas pool. “Anak-anakan ko na ‘yun. Tawag nga sa akin nu’n, tatay.” (Vladi Eduarte)