Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie willing saluhin si Mr.M

0 206

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos na maglabas ng kanyang saloobin ang dating Star Magic head at starbuilder na si Johnny Manahan o Mr.M hinggil sa pagkakasibak ng kanyang shows na hinawakan sa Brightlight Productions, umani naman siya ng simpatiya sa showbiz denizens.

Isa ang Wowowin host na si Willie Revillame ang sumusuporta sa kanya.

Ani Willie, malaki raw ang utang na loob niya kay Mr.M na naging direktor niya sa Wowowee noon sa Kapamilya network.

Sobrang bilib din daw siya sa kakayahan nito bilang star builder na naging instrumento para makilala ang mga pinakasikat na mga artista sa industriya ngayon.

Dagdag pa ni Willie, bukas ang kanyang produksyon para kunin ang serbisyo ng magaling na talent discoverer.

Hinikayat pa niya, join na rin si Mr.M sa kanyang programa lalo pa’t nasa GMA-7 na rin ang dating Banana Sundae director na si Bobot Mortiz. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.