Abante Tonite Interactive

Wilson, Knights patok vs MiGuard

215

Mga laro mamaya: (Filoil Flying V Centre)
4:00 p.m. – Navotas vs. GenSan
6:30 p.m. – Davao Occ. vs. Bataan
8:30 p.m. – San Juan vs. Nueva Ecija

Malamang na mag-walk-in-the-park win lang ang ang inaasahang muling mangungunang John Wilson sa defen-ding champion San Juan Knights kontra Nueva Ecija MiGuard.

Sa pagpapatuloy ito mamaya ng hostilidad ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Sabak si team skipper Wilson at unbeaten pa sa eight games sa Group A North Division San Juan sa alas-8:30 nang gabi kontra sa nasa 14th place, may 2-5 win-loss na Nueva Ecija MiGuard.

Bago ang Knights-MiGuard game, toka ring magpambuno ang Group B South Division leader Davao Occidental (7-1)-Group A ninth-running Bataan Risers (4-4) sa alas-6:30 nang gabi, at ang nasa pang-anim sa Group A Navotas Clutch (2-3)-nasa tersera sa Group B GenSan Warriors (6-2).

May 21 points at 10 rebounds si Wilson sa huling pagtabas ng Knights sa Quezon City Capital nitong Agosto 5, 89-71. Si Billy Robles naman ang nagpasikat sa last game victory ng Davaoeños kontra Navotas nitong Aug. 8, 94-74. (Aivan U. Episcope)