Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Win naamoy ‘midnight deal’ sa Malampaya

0 125

May posibilidad na pumasok ang gobyerno sa isang midnight deal kaugnay ng pagpapalawig sa service contract ng Malampaya project na magtatapos sa 2024.

Ito ang pinangangambahan ni Senador Win Gatchalian sa gitna ng bentahan ng shares ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX), ang operator ng Malampaya gas field project, sa Malampaya Energy XP Pte Ltd. Ang Malampaya Energy ay isang kompanyang nasa ilalim ng Udenna Corp. na pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy.

Ipinagtataka ni Gatchalian ang aniya’y napabilis na negosasyon nang pumasok na sa eksena ang Udenna samantalang ni wala raw nakuhang kasiguruhan ang Shell sa DOE mula pa noong 2016 kung palalawigin pa ang Malampaya o hindi na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinuwestyon din nito ang DOE sa pag-amin nitong nagkaroon ng “insufficient foundation for legal basis” noong nabili rin ng kompanya ni Uy ang 45% stake ng Chevron sa Malampaya. Kung tuluyang maaprubahan ang pagbili ng Malampaya Energy sa 45% stake ng SPEX, magiging 90% na ang stake ng Udenna sa Malampaya project.

“Hindi ako papayag na ang sinasabi niyong insufficient foundation for legal basis na nangyari noong nabili ng Udenna ang shares ng Chevron sa Malampaya ay gagawin din ninyo sa Shell. Papanagutin ko kayo lalo na’t ang shares ng mismong operator ng Malampaya ang pinag-uusapan dito. Papanagutin ko din kayo sa Udenna-Chevron deal,” babala ni Gatchalian sa DOE. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.