Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Win palaban sa Malampaya deal probe

0 102

Hindi titigil si Senador Sherwin ‘Win’ Gatchalian sa pag-imbestiga sa kontrobersyal na pagbenta ng Malampaya stake sa kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy.

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, hindi niya ginagamit ang imbestigasyon para magkaroon ng publisidad lalo na’t nalalapit na ang eleksiyon 2022.

Aniya, ginagawa lang niya ang kanyang trabaho na bantayan ang korapsiyon at iba pang anomalya sa gobyerno.

Una rito, pinasaringan ni Surigao del Rep. Johnny Pimentel ang mga reelection senator na lubayan na ang Shell Petroleum sa kanilang publicity stunt matapos ibenta ang share nito kabilang ang Malampaya gas field sa Udenna Corp. na pag-aari ni Uy.

“Sigurado ako na ako ang pinapatamaan nito – senador at re-electionist,” sabi ni Gatchalian sa kanyang post sa Twitter.

“Hindi po ito ‘publicity stunts’. Korapsiyon po ito. Hindi po ito pangpa-sikat. Anomalya po ito. Hindi po ito pang eleksiyon. Pang-aabuso po ito ng awtoridad,” dagdag nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.