Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winalis Basilan: San Andres, Manileno sa semis

0 180

Sa pasiklab ni Jan Benedict San Andres, mabilis hinakbangan ng Manileño Spikers ang Basilan Steel Spikers, 25-17, 25-22, 25-23, para umusad sa 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League men’s tournament semifinals sa huling araw ng pool stage Miyerkoles sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Humambalos ng 13 puntos para sa Manileños ang National Collegiate Athletic Association veteran mula sa Mapua Cardinals habang nag-ambag si Rwenzmel Taguibolos ng 10 markers sa pagbawi ng kampo sa marathon game loss kontra Go For Gold Air Force Aguilas noong Lunes.

Lumapag sa ikalawang puwesto ng Pool A ang Manileño Spikers sa 1-1 win-loss card, at aabante sa semifinals ng kumpetisyon sa Biyernes.

SM food to go Banner Ad

Nagbanta ang Basilan na makahatak ng fourth stanza nang tumabla sa mainitang third set sa 20-20 at 22-all. Pero isang cross court attack ni Mark Kevin Montemayor at service ace ni team captain Geuel Asia ang naglagay sa Manileno Spikers sa 24-22. Natapos ang laban sa isang service error ng Steel Spikers.

Tanging si Razzel Palisoc lang umalma sa Basilan sa likod ng 12 pts.

Makakaharap ng Manila-based squad sa Final Four ang Team Dasma Monarchs na namayagpag sa Pool B sa perfect 3-0 slate. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.