Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winker pabida sa Cincinnati

0 142

TATLONG solo homer ang hinambalos ni Jesse Winker para giyahan ang Cincinnati Reds sa 9-4 panalo kontra Milwaukee Brewers Biyernes ng gabi.

Inumpisahan ni Tyler Naquin ang ratsada ng Reds, kumana ng three-run homer sa first inning mula kay Adrian Houser.

Kumonekta ng leadoff homers si Winker sa third at fifth laban kay Houser din. Tinamaan niya ang 11th homer niya ngayong season sa isa pang leadoff drive kay Josh Lindblom.

Pagkatapos ng pangatlo niyang homer, nasa spot na niya sa left field si Winker sa ninth nang bigyan ng standing ovation ng fans at haranahin ng “MVP! MVP!”

Nailusot ni Cincinnati starter Jeff Hoffman ang five innings, nakaligtas kahit may four walks at bases-loaded jam sa second pero isang run at two hits lang ang binigay. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.