Abante Tonite Interactive

Winner vs winner sa LGBA CoY series ngayon — Crisostomo

172

Mga derby winner na teksas ang mga paparada sa Pasay City Cockpit ngayon sa pagsiklab ng 2019 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year” series, tampok ang 7-bullstag derby.

“All participants will definitely use their ace fighters from last year’s events like LGBA Breeder of the Year contest, National Bakbakan 12 -Stag Derby and National Digmaan 11 -Stag Derby,” kada kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo. “It’s an exciting battle of winner versus winner.”

Nasa dalawa ang elimination rounds ng 3-bullstag na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000. Ratsada ito sa Mar. 11 at 18 kasunod ang 4-bullstag finals sa Mar. 25.

Kabilang sa mga sisiyapon mamaya sina 2019 World Slasher Cup 1 runner -up Biboy Enriquez, Alex Aguirre, Edwin Lumbres, Jun Sevilla, Jun Caparroso, Nelson Uy, new ‘Sagupaan’ endorser Hector Magpantay, Aaron Cacho, Triple J Farms, Engr. Bong Cababa, Mark Sy, Ren Castro, Larry Villacorte, Carlos Tumpalan at 2018 LGBA Breeder of the Year Jimmy Junsay.

Magwawakas ang 2019 LGBA ‘Cocker’ race sa third leg sa Abril 12 na Encuentro 5-Bullstag Derby.

Kontakin sina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939–4724206, 843-1746 at 816-6750 para sa iba pang mga impormasyon.