Abante Tonite Interactive

Winning tradition itutuloy ni Baldwin, Blue Eagles

By
0 214

Pero walang planong tumigil si Coach Tab Baldwin at ang Ateneo Blue Eagles.

“We wanna pursue excellence, you know championship is one measure of excellence I guess. So if that’s the by-product of the way that we do things,” wika ni Baldwin matapos walisin ang UP sa best-of-three ng 81st UAAP Finals, pinakahuli ang 99-81 victory kagabi para sa ikalawang sunod na kampeoanto, pang-10 pangkalaha­tan.

“We hope that we continue to have championships in the future, but again that’s not the goal. That’s not what we set-out to do.”

Ito ang unang back-to-back championship ng Ateneo matapos maputol ang kanilang five-peat title noong 2012.

Sinabi rin ni Baldwin na hindi aniya nilang madalas pag-usapan ang kampeonato bagkus mas pinagtutuunan nila ng pansin ang mga bagay na magpapalabas ng kanilang galing.

“It’s not just something we say for the media, it’s what we work on, it’s who we wanna be. As long as one of the by-products continuous to be championships and I don’t think MVP (Manny V. Pangilinan) gonna tell us to do it differently,” dagdag nito.