Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winwyn binuhusan ng tubig ni Alma

0 1,368

NI: ARCHIE LIAO

Masayang ibinahagi ng bida ng Nelia na si Winwyn Marquez sa kanyang vlog ang kulitan nilang magkakapatid kasama ang inang si Alma Moreno.

Present sina Winwyn, Vito, Yeoj at Vandolph.

Absent sa katuwaang ito si Mark Anthony Fernandez, ang anak ni Ness sa namayapang action star na si Rudy Fernandez.

Kinaaliwan ng mga netizen ang “Who’s Who Challenge” ng magkakapatid.

Sa nasabing challenge, tatanungin si Alma kung sino sa mga anak niya ang pinaka ang katangian at kung sino ang mapipili niya ay bubuhusan niya ng isang tabo ng tubig.

Sa tanong kung sino ang pinakamatigas ang ulo sa kanyang mga anak, unang binuhusan niya ng tubig si Vandolph.

Pinakamagastos naman si Vito Marquez, na dating miyembro ng all male dance group na Hashtags.

Si Yeoj naman ang pinakamalambing para kay Alma.

Ang beauty queen-actress na si Winwyn ang pinakamatalino at pinakamasipag mag-aral sa lahat ng kanyang mga anak .

Sa huli, lahat binuhusan ng aktres ang mga anak nang tanungin siya kung sino ang pinakamabait sa mga supling.

Pinakamaraming beses na nabuhusan ng tubig si Vandolph kaya nagreklamo ito lalo na nang sabihin ni Alma na ito ang pinakapasaway.

Humirit si Vandolph na dapat ay nandoon daw si Mark Anthony dahil kakabugin siya nito sa pagiging pasaway.

Marami naman ang natuwa sa closeness ng magkakapatid (kasama na si Mark Anthony) sa kabila ng katotohanang magkakaiba ang kanilang mga ama.

Narito ang reaksiyon ng mga netizen sa naturang challenge.

“Yung humor ni sir Vandolph same vibes talaga kay sir Dolphy. Hahaha! Expression ng muka LT na! “Nakakaaliw puro tawa lang ako hanggang dulo eh.. Mga expression ni Vandolph.”

“ Sa lahat ng who’s who dto ako tawang tawa sa inyo. Kahit ako nahuhulaan ko sino eh lagi si vandolph hahaha! Winner talaga!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.