Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winwyn keber na tatay ulit si Mark

0 143

Focus si Winwyn Marquez na intindihin ang kanyang training bilang reservist ng Philippine Navy. Happy siyang ibinotong presidente sa kanilang batch (BCMC Class 01 2020).

Keber niya kung magiging ama ulit ang ex-boyfriend niyang si Mark Herras sa girlfriend nito. May kanya-kanya na silang buhay.

Ipinakita ni Winwyn sa kanyang Instagram post ang ilang pictures mula sa kanyang marksmanship training. “Thankful sa drill instructors namin for imparting their knowledge and training us from 5 in the morning hanggang mag hapon, and non-stop sa pag-remind sa amin na safety is number one,” aniya.

Pinaalala naman ni Winwyn na hindi dapat ginagawang laruan ang mga baril dahil delikado ang mga ito. Importante rin daw na magkaroon muna ng proper training sa gun safety, “We are strongly discouraged from playing or toying with firearms because they are inherently dangerous. They must always be stored carefully and handled with care.”

“Don’t even think that owning or carrying a gun is ‘nakaka-cool or astig ako if I have one.‘Wag stupid. ‘Wag mag-feeling action star. Mag training muna.” (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.