Abante Tonite Interactive

Winwyn, Mark nagkasawaan

354

tonite-imo-vinia-vivar

Valentine’s Day na Valentine’s Day kahapon pero ang break up nila ni Mark Herras ang isiniwalat ni Winwyn Marquez sa presscon ng bago niyang pelikula sa Regal Films na “Time & Again” opposite Enzo Pineda.

Inamin ng aktres na nagtapos na nga ang tatlong taong relas­yon nila ni Mark at kung ano ang dahilan, aniya ay sa kanila na lang daw. She divulged though na very recent lang ang break up at, aniya, ay this year lang daw.

“It was actually a mutual decision. Nag-usap naman kami nang harap-harapan, hindi lang ‘yung text-text na usual na siguro ginagawa ng iba. It was a mutual decision and we just want to do our own things now,” sabi ni Winwyn.

When asked kung hindi naman dahil sa mas priority niya ang pagsali-sali sa beauty pageant anang aktres ay hindi raw.

“No, he’s very supportive. Si Mark, very supportive naman sa lahat ng ginagawa ko. It’s just that, iba lang siguro talaga ‘yung priorities namin ngayon and hindi lang kami talaga. . . kung baga, mas okay muna na hiwalay kaming dalawa.”

Nilinaw ni Winwyn na maayos daw ang kanilang paghihiwalay ni Mark at walang third party sa part niya or sa part ng
aktor.

Paano nila hina-handle ngayon pareho ang break up at nasa moving on stage ba sila ngayon?

“Actually, hindi ko masagot ‘yan kasi sakto rin na busy ako, eh. And med­yo fresh pa, eh, so hindi ko alam kung nasaang stage. Hindi ko alam kung may stage ba ‘yun, eh,” medyo nata­wang sabi ng aktres.

“Buti na lang, nga­yon, sobrang concentra­ted ako sa mga projects na ibinibigay sa akin.”

But of course ay iniyakan din naman daw niya ang break up.

Nagkasawaan ba sila?

“Hindi naman siguro. Basta, there’s a deeper reason in it,” she said.

Hindi pa rin masabi ni Winwyn ang possibility ng reconciliation. Ayaw niya raw magsabi ng oo at ayaw din niyang magsabi ng hindi. Basta time will tell na lang daw at hindi naman niya isinasara ang kanyang pintuan.

Samantala, ang “Time & Again” ay isang fantasy-romantic-comedy movie tungkol sa time travel na idinirihe ni Joey Reyes. Ginagampanan ni Winwyn ang role na si Apple na no boyfriend since birth habang si Enzo naman ay si Ozzi.

Basta ang importanteng plot daw sa movie ay being given the chance to go back in time.

“If bibigyan ka ng chance to go back in time, ang question do’n, bakit babalik ka in time?” sabi ni Win.
Showing na sa Feb. 20 ang “Time & Again” mula sa Regal Films.
***

Tori pinapalayas sa Bahay ni Kuya

Nawindang ang mga manonood ng “Pinoy Big Brother Otso” dahil napasama sa mga nominado ang Bombshell Sweetie ng Singapore na si Tori Garcia. Mas nakakalungkot dahil isang linggo pa lang siya sa Bahay ni Kuya.

Nu’ng Lunes, February 11, nakatanggap ng black rose si Tori from Big Brother. Patunay ito na isa siya sa posibleng ma-evict this Sunday, February 17. Nakatanggap din ng black rose sina Wakim at Mark.

Nilabas ni Tori ang kanyang saloobin kay Mary Grace tungkol sa nominasyon. Hindi siya makapaniwala na mapapabilang siya dahil ginawa naman niya ang best niya na tulungan ang kanyang mga housemate lalo na iyung last task nila ng Transhion Show.

Lingid sa kaalaman ni Tori, sina Lou, Mitch, at Yamyam ang nagbigay ng 3 points sa kanya. Sapat na ito para mapabilang siya sa mga nominado this week.

Nakatanggap naman ng 4 points si Mark, at si Wakim ang nakatanggap ng mataas na puntos na 12 points.

Maraming fan ni Tori ang nag-react sa pangyayaring ito. Sabi ng isang fan ay mababaw ang dahilan para tanggalin ito.

Aniya: “Ang babaw ng reasons nila kay tori, syempre nag aadjust pa yung tao :(”

May isang fan naman na nagsasabing mag-stay muna si Tori dahil mukhang interesting na housemate siya.

“Wag nio muna paalisin si torii i wanna see more from her” sabi ng fan.

Kung gusto niyo manatili si Tori sa Bahay ni Kuya, just text “BB TORI” at i-send sa 2366.

Si Tori ay dating housemate from Camp Star Hunt. Nu’ng February 3, nag-crossover siya sa Bahay ni Kuya.