Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winwyn may rebelasyon sa buntis isyu

0 364

Balitang may grand presscon ang pelikulang Nelia, opisyal na entry ng Metro Manila Film Festival 2021.

Sinabi ng producer na si Atty. Aldwin Alegre na magpo-promote si Winwyn Marquez. Dito natin mapapatunyan kung totoo o hindi buntis ang kanilang lead star.

Nagkausap na raw sila at personal siyang makikita para tumulong sa promosyon ngayong December.

Anyway, pinagmamalaki nila ang pelikulang ‘Nelia’

“Unique siya. Hindi siya iyong typical story ng Filipino movies na napapanood natin,” deklara ni direk Lester Dimaranan.

Mula sa A and Q Films Production, Inc., ang Nelia . Umiikot ito sa misteryo ng hospital room 009 nalahat ng pasyenteng naa-admit dito ay namamatay. Isang nurse sa naturang ospital, si Nelia (ginagampanan ng global beauty queen at Kapuso actress na si Winwyn Marquez), ang susubok na mabunyag kung ano ang lihim sa likod ng pagkamatay ng mga pasyente.

Sinulat ni Atty. Melanie Honey Quiño Marquez ang screenplay ng Nelia . “15 years in the making” na raw ito.
Paglilinaw ni direk Lester. “Matagal nang nasulat ito ni Atty. Honey. Actually, naalala ko, noong nilapitan ako ng A and Q para gumawa ng pelikula, iba dapat ‘yung gagawin namin noon, e. ‘Tapos, nag-pandemic! Naayos na namin lahat para sa production ng pelikulang iyon tapos biglang nag-lockdown. So, nilapitan ako ni Atty. Honey, pinakita sa akin ‘yung synopsis ng Nelia. Dun na nag-start ‘yung pagbuo namin sa pelikula.”

Kakaiba raw ito sa panlasa at mga nakasanayang tema ng pelikulang Pilipino.

“Suspense thriller siya.Maraming turn ng events na di mo akalaing ‘yun ang mangyayari. Psychological ‘yung movie kaya ‘yung effect sa manonood, psychological din. ‘Yung mga twists talaga, ‘yung akala mong ito yung mangyayari magugulat ka na hindi pala,” saad pa ni direk.

Kaabang-abang din ang Nelia dahil ito ang natatanging pelikula sa suspense thriller genre na nakapasok sa darating na MMFF.

SM food to go Banner Ad

Ang Nelia ay mapapanood sa December 25.

Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes ,Shido Roxas, Mon Confiado, Juan Carlos Galano , Dan Alvaro at Sarah Javier.

Shido kalahati ng puwet ang pinasilip

Hirit ni Shido Roxas sa chat lang daw niya nakakausap si Winwyn. Matagal na rin daw niyang hindi nakikita ito. Wala rin daw siya alam kung ano ang real score sa kalagayan ng aktres.

Tungkol naman sa Nelia, hindi buo ang pagpapakita ni Shido ng kanyang puwet sa love scene nila ni Ali.

Kalahati lang daw ang masisilip. Naniniwala siya na hindi naman kailangan sa eksena.

Nire-reserve daw niya ito sa susunod niyang pelikula.

“Sayang naman ang tambok ng butt natin kung ipapakita agad,” saad pa niya.

Pangalawang MMFF movie ito ni Shido dahil nakasama rin siya sa Rainbow’s Sunset, na top grosser nu’ng 2018’s Metro Manila Film Festival.

Bukod sa Nelia, kasama rin siya sa pelikulang “Caught in the Act “ na ipapalabas sa December 15. Ito ay sa direksyon ni Perry Escano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.