Abante Tonite Interactive

Winwyn nalungkot sa pagkatalo ni Jeremy

0 312

Nalulungkot din of course si Winwyn Marquez sa pagka-talo ng kanyang kapatid na si Jeremy Marquez bilang Vice Mayor ng Parañaque nitong katatapos lang na halalan.

“Siyempre, sad kami, lahat naman kami, pero kung ‘yun talaga ang God’s will, sabi nga ng kuya ko, kailangang tanggapin,” sabi ni Win nang makausap namin sa presscon ng bago niyang drama series sa GMA-7 na “Dahil sa Pag-ibig.”

“Hindi naman natin puwedeng kuwestyunin kung ano ang nangyari, kasi nandiyan na rin naman ‘yun,” aniya pa.

Natalo man ang kuya niya, ang maganda naman daw dito ay positibo naman daw nitong tinanggap ang nangyari.

“I’m happy na positive ‘yung kapatid ko sa nangyari. Okay lang sa kanya. Let’s see kung babalik siya, kung ita-try niya ulit. Let’s see ‘di ba, wala namang masama. I’ll pray for him, I pray for everything else. At least, positive naman siya.”

Related Posts

Kumusta naman ang kuya niya ngayon?

“He’s okay. He’s a positive person. So, kahit medyo negative ang nangyari, hindi siya nanalo, tinitingnan niya as a learning lesson pa rin sa kanya. I have yet to see him, pero mukha namang sa post niya, okay naman siya. Saka strong naman ang kapatid ko,” saad pa ng aktres.

Samantala, sa seryeng “Dahil sa Pag-ibig” ay aminado si Winwyn na medyo daring na siya. May love scenes siya with Benjamin Alves at may shower scene pa.

When asked kung simula na ba ito ng pagiging daring and mature actress niya, siyempre aniya ay may limitasyon pa rin at dapat daw ay kailangan sa eksena kung sakaling gagawa siya ng mga love scenes.

Kasama rin sa serye sina Pancho Magno at Sanya Lopez na magsisimula na sa May 20.