Abante Tonite Interactive

Winwyn, napaiyak sa surpresa ni Mark

4
Winwyn Marquez at Mark Herras
Winwyn Marquez at Mark Herras

TINIPON ni Mark Herras ang ilan sa malalapit nilang kaibigan gaya nina Aicelle Santos, Mark Zambrano, Frencheska Farr at Mayton Eugenio para surpresahin si Winwyn Marquez sa kaarawan nito.

Ayon sa aming source, laking gulat ni Winwyn na makita ang mga kaibigan.

Napaiyak ito sa effort ni Mark para sa kanyang b-day.

***

Magkalaban sina Manilyn Reynes at Keempee de Leon sa Lip Sync Battle Philippines bukas (Sabado) nang gabi sa GMA 7.

Dating real-life couple sina Mane at Kimpoy kaya personalan ang kanilang pasiklaban.

***

Matapos magwagi sa multi-platform boy band search on local television na To The Top, inilunsad na ng Kapuso all-male group na T.O.P (Top One Project) ang kanilang self-titled album under GMA Records.

Ang kanilang debut album ay may anim na tracks kabilang ang Paggising, Kaya Ko, Kaya Mo, Bakit Gano’n, Somebody, Alaala at ang kanilang composition entitled Sa’n Na.

Available ang album sa iTunes, Spotify at sa music stores nationwide.

***

Nag-alangan si Snooky Serna na mag-comedy.

Hindi niya ito forte at madalas ay sa drama siya nalilinya.

Kaya laking gulat niya sa magandang feedback sa kanyang character sa Poor Señorita.

“Noong una, parang nailang ako. Kasi, hindi ko forte ang comedy,” sey ni Kukay.

“Pero noong bandang huli ay okay na. I was not really expecting a lot from myself.

“Sabi ko, I will just enjoy the ride and I will just enjoy being in the company of Regine, Valeen, Sheena, Mikael and everybody.

“Pero aminin natin na ‘yung nagse-set talaga ng tone ay ‘yung bida. And we have to give it to Regine.

“Ang gaan niyang katrabaho. Palaging good vibes.”