Abante Tonite Interactive

Winwyn rarampa sa army

549

Marami ang nag-react sa post ng actress turned beauty queen na si Winwyn Marquez kaugnay ng pagsabak niya sa military training.

Sa post niya sa kanyang socmed account, kasama niya sa litrato sina Rocco Nacino at ilang opisyal ng army.

Ito ang kanyang naging pahayag: “People are asking me why I want to do this..I simply said because I want to..that’s it. We don’t need to justify what we want to do, we can just show them what we women CAN do.

Nagpapasalamat din siya kay Rocco na nag-impluwensiya sa kanya para gawin ang nasabing desisyon.

Dagdag niya:”Thank you @nacinorocco for opening my eyes to this and thank you to our Naval Reserve Command Chief Brigadier General Ariel Caculitan for the inspiring stories and words you told us earlier.”

Bagamat marami ang pumuri sa kanyang intensyon , hindi rin siya nakaligtas sa mga batikos ng bashers.

Hirit ng bashers, ano raw ang gagawin niya sa military. Rarampa raw ba ito o gusto lang magpauso lalo na’t nauuso ang mga artistang nagi-enlist sa military o army.

Naging kuwestiyunable rin daw ang pagsali niya dahil ito’y bahagi ng immersion niya sa kanyang role sa bago niyang serye.Hindi na raw niya kailangang idahilan na na-impluwensiyahan siya ni Rocco (Archie Liao)