Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winwyn suko na sa pageant

0 21

NI”: VINIA VIVAR

Wala nang kabalak-balak si Winwyn Marquez na sumali pa sa beauty pageants matapos siyang manalo sa Reina Hispanoamericana noong 2017.

Sinabi ito ng aktres sa kanyang Instagram post kahapon dahil napakarami na naman daw nagtatanong sa kanya matapos siyang mag-post ng throwback video.

Last Tuesday kasi ay nag-post si Winwyn ng lumang video kung saan ay makikita siyang rumarampa in swimsuit sa Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap sa Bolivia.

“People have been tagging me non stop sa video na to’ so might as well post it on my feed again ♡ oh how time flies. 👑 thank you sa nag video,” ang caption ni Winwyn.

Sa comments section ay napakaraming nag-comment na pwede siyang maging Miss Universe at ine-encourage siyang sumali rito.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Isang netizen ang sinagot ni Winwyn. Tanong nito, “pang miss u pwede pa ba?”

Maikling sagot ng aktres, “no na.”

Kahapon ay muling nag-post si Winwyn and this time, mga never-before-seen photos niya sa Reina Hispanoamericana pageant. Sa caption ay muling sinabi ng aktres na tapos na ang kanyang pagsali sa pageantry at hanggang supporter na lang siya ng mga kandidata.

“I am overwhelmed with all your messages grabe non stop. 2015 and 2017 ako sumali.. ngayon 2021 na at hanggang ngayon ganyan padin kayo..

“Thank you so much pero hanggang sa pag support nalang ako sa mga candidates natin and sa mga gusto sumali ng pageants.

“Minsan mag bubukas talaga tayo ng ibang chapter sa buhay natin and need mag move on sa ibang bagay but sabi nga diba once a Miss Philippines, always a Miss Philippines,” pahayag ni Winwyn.

Leave A Reply

Your email address will not be published.