Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Winwyn umaming buntis

0 320

NI: Vinia Vivar

Masayang inamin ni Winwyn Marquez na preggy siya sa first baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Kinumpirma ng aktres at dating beauty queen ang kanyang kalagayan sa grand mediacon ng pinagbibidahang movie na Nelia, isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival.

“Yes, I’m expecting, I’m pregnant,” pagkumpirma niya.

Nasa 2nd trimester na ang pagbubuntis ni Winwyn at aniya ay mga 6 months na raw.

Inamin niyang gusto na muna sana nilang itago and gusto muna nilang ma-enjoy ng family nya ang bagong blessing .Pero, dahil nga unexpectedly ay napasama ang Nelia sa MMFF, naging sign na raw ito for her na i-share na rin sa publiko ang magandang balita.

“Kailangan ko rin namang tulungan ‘yung film to promote kahit online, gusto ko ring pumunta sa presscon and be with everyone kahit medyo naga-adjust pa ‘’yung body ko,” ani Winwyn.

Bukod dito ay mahirap naman daw talagang itago ang mga ganitong bagay.

Wala pang binanggit ang aktres sa wedding plans since pribado ring tao ang BF.

Matatandaang in her past interview ay inamin ni Winwyn na happily in love siya sa bf na hindi pa rin niya inire-reveal ang identity.

Leave A Reply

Your email address will not be published.