Abante Tonite Interactive

Winwyn walang pabakat ng hiwa

1,619

Kahit ipinapangalandakan ni Winwyn Marquez ang kanyang mga sexy photo, napanatili nito ang respeto ng netizen sa kanya.

Maraming beses ibinalandra ni Winwyn ang kanyang photo sa Instagram, personal man o para s kanyang endorsement.

Pero kapansin-pansin na hindi ito nagpapakita ng kabastusan.

Ang mga photo post kasi ng aktres ay malayo sa ibang bikini babes na talagang nang-aakit ng mga kalalakihan.’Yun bang mga promotor ng kasalanan at kahalayan sa mga male follower nila.

Wala siyang bukaka pose. Wala rin siyang kuha na utong lang ang natatakpan ng swimsuit at nagpapakita ng kalahati ng kanilang puwet. Wala rin siyang pabakat ng hiwa.

Marahil dahil sa kanyang natatanging korona bilang unang Asian beauty na nakoronahan bilang Reina Hispanoamericana.

Posibleng dahil din sa kanyang pangarap na maging pre-school teacher. O, kaya ang posibilidad na pagsalang sa politika katulad ng kanyang mga magulang at kapatid.

Pero kahit na demure pa rin si Winwyn sa mga sexy shot n’ya, may mga nagnanasa pa rin sa kanyang kaseksihan.

Paano ba naman, nakuha n’ya sa genes ng ina niyang si Alma Moreno na dating sexy symbol noong 70’-80’s era. Pati na rin ang sex appeal ng kanyang ama na habulin noon ng mga kababaihan. (Rey Pumaloy)