Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wiseman ayaw sa Wolves

0 166

Timberwolves ang may hawak ng No. 1 pick sa NBA draft sa Nov. 18, pero ayon sa ulat ay ayaw ni James Wiseman na mapunta ng Minnesota.

Si Wiseman ang matunog na top pick ngayong taon dahil bumaba ang draft stocks ni LaMelo Ball.

7-footer si Wiseman, may lehitimong big man na ang Wolves kay Karl-Anthony Towns na first option ng team sa opensa.

Baka ayaw ni Wiseman na maging understudy o panapal kay Towns. Hindi niya siguro type maglaro sa anino ng dati ring No. 1 pick noong 2015.

Paint at rim protector si Wiseman na diumano’y kursunada rin ng Charlotte sa No. 3. Nakaabang din sa kanya ang Golden State sa No. 2.

Baka naman pinapalutang lang ng Minnesota ang pangalan ni Wiseman para mapuwersa ang Hornets na makipag-trade sa Wolves sa No. 1 pick. Kaso ay walang nababanggit ang Timberwolves kung sino ang gusto nilang makuha sa Charlotte.

Isa pang downside ay maraming scouts ang nagsasabing mas mainam si Onyeka Okongwu na kunin ng Hornets sa No. 3 kaysa kay Wiseman.

Pero manatili man sa Minnesota o mai-trade ang No. 1 pick, isang source ni Jonathan Wasserman ng Bleacher Report mula sa Warriors ang nagsabi raw na si Wiseman ang No. 1. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.