Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wiseman sa Warriors palaisipan sa marami

0 69

Marami ang nagtaas ng kilay nang gamitin ng Golden State ang No. 2 pick kay 7-foot-1 center James Wiseman sa 2020 NBA draft noong Miyerkoles.

Akala ng mga miron, dahil nagka-leg injury muli si Klay Thompson habang nagwo-workout ilang oras bago ang draft ay pamasak na guard o forward ang hahanapin ng Warriors.

Katwiran ng mga nakabantay, hindi 5 ang kailangan ni Steph Curry kundi mainam na 2 o 3.

Wala na sa ‘90s ang NBA na dinodomina ng 7-footers tulad ng mga Shaquille O’Neal, Hakeem Olajuwon, Patrick Ewing, David Robinson.

Bigs sa kasalukuyang henerasyon sina Joel Embiid, Rudy Gobert, Nikola Jokic – pero hindi sa kanila naka-sentro ang teams.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Pasado si Anthony Davis, pero pinagpipilitan niyang power forward siya.

Kaya nang magtagpo ang Lakers at Heat sa Finals, sina JaVale McGee at Dwight Howard ang 5 ng Los Angeles. Tinapatan ng Miami ni 6-foot-9 Bam Adebayo.

Ang Houston, 6-8 ang sentro kay Robert Covington nitong 2019-20.

Wings, hindi slotmen, ang nakakapagdala ng teams sa promised land.

Ang Warriors, nagmartsa sa limang sunod na NBA Finals na si 6-foot-6 Draymond Green ang closer sa center.

Hindi wise choice si Wiseman? Baka may iba silang balak. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.