Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wiseman todo handa sa NBA

0 133

Tapos na ang paghihintay ng hopefuls na nabitin sa makailang ulit na pagka-delay ng 2020 NBA Draft dahil sa coronavirus pandemic.

Nakahugot na ang teams mula sa 51 players na nasa pool.

Uumpisahan ng newcomers ang napakaigsing preparasyon para sa kanilang debut sa 76th season.

Kinalawang ang players dahil natigil ang mga laro nang manalasa ang pandemic noong March. Walang summer league, sa December pa magsisimula ang training camps at sisiklab ang 72-game 2020-21 season sa Dec. 22.

“This draft process has been the longest for me, so I’ve just been working on my game,” ani James Wiseman, No. 2 ng Warriors. “I’ve actually been playing pickup games with pros already, so I’ve been getting a lot of experience.”

Walang draft combine, kaya hindi natasahan ng scouts ang draftees. Hindi rin nakapag-imbita ang teams ng mga kursunada para mag-workout sa kani-kanilang facilities.

Natigil ang NCAA noong March, hindi nakapag-pasiklab ang players bago ang draft. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.