Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wizards tameme kay LaVine, Bulls

0 167

UMISKOR ng 27 si Zach LaVine, dinagdagan ng 21 ni Coby White at sinuwag ng Bulls ang Washington Wizards 130-122 Biyernes ng gabi sa United Center sa Chicago.

Nag-deliver pa ng 16 points, 14 rebounds, 7 assists si Nikola Vucevic at dumiretso ang Bulls sa 26-10 para okupahan ang tuktok ng Eastern Conference.

Nilista ng Chicago ang pang-siyam na sunod na panalo na huling ginawa noong 2010-11 nang tapusin sa nine straight wins ang regular season.

Mainam din ang kontribusyon ni Lonzo Ball na 18 points, inari ang anim sa 15 3-pointers ng Bulls. May 18 markers din si rookie Ayo Dosunmu at inekisan ni coach Billy Donovan ang 300th NBA win.

SM food to go Banner Ad

Walang nagawa ang 26 points ni Bradley Beal at 21 markers, 11 rebounds ni Kyle Kuzma sa Washington (19-20).

Binasag ng 3-pointer ni Ball ang huling deadlock sa 87 may 4 minutes pa sa fourth na nagpasimula sa 10-2 blitz ng Chicago – 7 dito mula kay LaVine.

Si White naman ang humarabas ng 8 points sa final 1:17 ng period tungo sa 107-95. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.