Abante Tonite
Mabilis sa Balita

WNBA venue kadiri – Wilson

0 285

Kadiri ang ilang kuwartong tutuluyan ng WNBA players sa IMG Academy sa Florida.

Inaasahan nang hindi pang-five-star ang accommodation, pero mukhang hindi kanais-nais ang tutulugan nila sa buong 22-game season habang nananalasa pa ang coronavirus disease.

Tinawag na “Wubble” ang bagong tahanan ng WNBA. 100 miles mula rito ang bubble ng NBA sa restart ng season, siguradong mas maganda ang Disney World.

Kumalat sa Twitter ang video (@klajohnson) ng laundry room ng wubble, marumi ang floors. May mouse trap na inilatag sa isang 2×4 na nasa wall. Nagkalat ang supplies.

“Like ppl funny but this fr our laundry room,” reply ni A’ja Wilson ng Las Vegas Aces.

Sa video sa parehong thread, may nakitang bulate sa lapag malapit sa bed. May photo pa ng meal option na mukhang stir-fry pero iba.

Ang hiwalay na tweet thread si Alexa Philippou ng Connecticut Sun, umani ng emoji-only reactions mula sa players. Ang tub ni Tianna Hawkins ng Washington Mystics, barado. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.