Abante Tonite Interactive

Women’s Ice Hockey reyna sa Abu Dhabi

266

Nagtala ng kasaysayan ang Philippine Women’s Ice Hockey Team matapos biguin ang host United Arab Emirates 2-1 para iuwi ang gintong medalya sa ginanap na 2019 IIHF Women’s Ice Hockey Challenge Cup of Asia Division 1 sa Abu Dhabi.

Ang gintong medalya ang kauna-unahan para sa Philippine Women’s Ice Hockey Team sa pagsagupa nito sa ginaganap kada taon na IIHF Women’s Challenge Cup of Asia – Division 1 na nagbigay pag-asa para suportahan ang tsansa nito makasabak sa isasagawa ng Pilipinas na 30th Southeast Asian Games.

Itinala ng PH wo­men’s ice hockey team ang perpektong 3-0 panalo-talong record matapos talunin ang Kuwait at India sa eliminasyon bago binigo ang host na UAE.

Abante Hiring – IT dep

Umiskor ang mga Pinay ng 1-0 sa 1st period bago kapwa walang nakaiskor sa 2nd period. Tabla naman ang iskor sa 3rd period sa 1-1 na nagbigay ng 2-1 panalo para sa Pilipinas.

Unang tinalo ng mga Pinay ang Kuwait, 10-0 bago muling blinangka ang India, 5-0. (Lito Oredo)