Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wong mahalaga media

0 75

Tunay na malaki ang papel ng kasalukuyang media sa modernong panahon para sa lahat ng gumagamit nito kagaya na lang sa isa mga national athlete sa na nag-oonline training para sa kaniyang new normal.

Para kay PH 2019 Southeast Asian Games women’s wushu gold medalist Agatha Chrystenzen Wong, malaking tulong ang media (traditional at social) para mai-promote ang pinakamamahal na sport at kanyang talento.

“Actually, malaking bagay ‘yung media and social media kasi in the world the we live in now, we’re all connected by the internet so kapag gusto mo talagang i-promote yung sport mo, kapag gusto mong makilala ka ng mga tao for your sport, you also need to share your talent through the internet,” kwento ng 22 taong-gulang, 5-3 ang taas at tubong Quezon City sa Abante TONITE Sports nitong January 24. “For example, ‘yung ginawa ko before is nagpakita ako ng basic kicks like sa Instagram ko tapos nalaman ng mga tao na that’s one of the moves that you do in wushu.”

Pasalamat ang Indonesia 2018 Asian Games bronze medalist sa lalo pang pagkilala ng marami sa taglay niyang galing at sumisigla pang sport na nagmula sa China.

“I’m deeply grateful and honored kasi nung bata ako ‘pag sinabi mong wushu, nobody really knew what that sport was pero ngayon at least ‘pag sinabing wushu they know, they associate the sport with my name which is also a very, very big responsibility on my part to continue to promote my sport. I always try to do my best everyday as a Philippine national athlete,” hirit pa ni Wong.

Kahit dame ang pressure ngayon para sa Hanoi 2021 SEA Games sa November, puspusan pa rin ang paghahanda ng pambato ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) upang panatilihin ang kanyang korona sa biennial meet sa sa taijijian at taijiquan events.

Dalangin din niya na masawata na ang Coronavirus Disease 2019 para kaligtasan ng lahat. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.