Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wooden bangka phase out na sa Caticlan

0 97

Permanente nang ipinatitigil ang paggamit ng mga wooden hullna motorbanca papunta at palabas ng isla ng Boracay.

Ang nasabing kautusan ay alinsunod sa pagkapaso ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC). Hindi na pinayagan ng Maritime Industry Authority sa Region 6 na bigyan pa ng extension na anim na buwan ang mga motorbanca operator.

Sinabi ni Godofredo Sadiasa, chairman ng Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC, na tigil na sa pagbiyahe ang mga wooden hull motorbanca at fiber glass boat na lang ang puwedeng bumiyahe papunta at palabas sa isla.

Ang sinasabing pag-phase out sa mga wooden hull motorbanca ay bahagi ng transportation modernization program ng pamahalaan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.