Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Woods, anak partner sa laro

0 31

Sa unang pagkakataon, tandem sina Tiger Woods at ang anak niyang si Charlie, 11, sa PNC Championship – yearly father-son golf tournament na papalo sa Orlando, Florida sa Dec. 19-20.

“I can’t tell you how excited I am to be playing with Charlie in our first official tournament together,” pahayag ni Woods via Sport Illustrated.

Related Posts

Ilan pa sa mga nasa field sina Justin Thomas, Matt Kuchar, Lee Travino, Jim Furyk, John Daly, Greg Norman at Tom Kine na kundi mga anak ay mga tatay ang kasamang maglalaro.

Nang itaas ni Tiger ang una niyang major title makalipas ang 11 taon sa 2019 Masters, priceless ang moment na nakunan nang magyakapan sila ni Charlie pagkatapos ng 18th green. Hindi pa pinapanganak si Charlie nang huling masungkit ni Tiger ang huling titulo bago ‘yun.

Ganu’ng eksena rin ang nangyari noong 1997 nang ibulsa ni Tiger ang Masters na una niyang major tournament win – nagyakapan sila ng amang si Earl. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.