Abante Tonite Interactive

Woody Allen itinanggi ang pang-aabuso sa anak

By
3,866

Dahil sa kasong kinasasangkutan ni Harvey Weinstein hinggil sa pang-aabuso at sexual harassment and assault kaya muling napag-uusapan sa Hollywood showbiz ang iskandalong nangyari sa sikat na director na si Woody Allen.

Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan nang sampahan ng kasong sexual abuse ni Mia Farrow, actress, ang ka-live-in dati ng director.

Inabuso umano nito ang anak nilang si Dylan Farrow na seven years old lang nu’ng time na ‘yun. 1992 nangyari ang iskandalo. Itinanggi ni Allen ang akusasyon.

Nainterbyu naman last Monday ang 82 years old na director kung saan gusto niyang i-save ang limang dekadang pinaghirapan niya sa kanyang career sa pagdedeklarang ‘big advocate of the #MeToo movement,’ isang international movement against sexual harassment and assault. But Allen apparently also feels he’s a victim of the movement because he’s being lumped into the same category as someone like Weinstein.

Maraming mga artista ang sumusuporta sa kanya tulad nina Diane Keaton, Cate Blanchett, Mira Sorvino, etc. Ang kaibigan niyang actor na si Alec Baldwin ay hinding-hindi raw siya iiwan sa kanyang laban. Si Penelope Cruz na artista niya sa ‘Vicky Cristina Barcelona’ kung saan nanalo siyang Best Supporting Actress sa Oscar ay nagsalita rin sa Va­nity Fair. Kung ano ang stance ni Cate Blanchett, na nanalong Best Actress sa Oscar sa kanyang ‘Blue Jasmine’ movie ay ganu’n din ang sinabi ni Penelope. Saad ni Cruz, wala siyang alam sa lahat ng detalye hinggil sa kaso ni Allen.

Pero kung bubuksan daw muli ang kaso, sinabi niya sa Vanity Fair, “We’re supposed to believe in justice, and this was looked at years ago, and it’s not clear. It should be looked at again, and then I can give an answer.”

Pero nang magsalita na si Dylan ay marami ang naantig at pumabor sa kanya. (Beth Gelena)