Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Word Day of the Sick’ sa kasagsagan ng Pandemya!

0 58

Espesyal ang paggunita ng ‘World Day of the Sick’ ngayong taon sa kasagsagan ng pandemya. Itinalaga noong 1992 ni Saint John Paul II ang Pebrero 11 bilang araw ng panalangin at pagdamay para sa mga maysakit- “a special time of prayer, sharing and offering of one’s suffering,” ani PJPII.

Kaugnay nito, nanawagan si Pope Francis sa lahat ng mga Katoliko sa buong mundo upang itaguyod ang pagtutulungan para sa mga kapuspalad. Binigyang diin ng Papa ang kaligayahang dulot ng tunay na malasakit sa mga maysakit na magsisilbing sukatan ng kabutihan ng isang Kristiyano.

Ani Francis, “there can be no true care without sharing in the situation of those affected, by showing compassion and being willing to emphatise with the sick.” HInikayat ng Papa ang 1.3 biyong Katoliko sa buong mundo na ibuhos ang sarili sa sa pagsisilbi nang may malasakit at wagas na bag-ibig.

Paliwanag ni Lolo Kiko, lahat ng tao ay nangangailangan ng tulong at kalinga kaya’t mahalaga lalo na ngayong laganap ang paghihirap, maging handang magbigay ng kalinga sa kapwa: “A frank acknowledgment of our limitations keeps us humble to practice solidarity with the rest of humanity.”

Wala ani Francis dapat ikatakot sa pagtanggap ng ating limitasyon bilang tao dahil sa ating ‘karukhaan’ palaging dumarating ang saklolo, tulong at biyaya ng Diyos na kadalasan ay higit sa ating inaasahan. Hinikayat ng Papa ang tanan upang maging ‘daluyan ng awa’ para sa kapwa ngayong pandemya.

Kasabay ng pagdiriwang ng “Pandaigdigang Araw ng mga Maysakit” ang Pista ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Matatandaan, sa Lourdes, France noong Pebrero 11, 1858 unang nagpakita si Maria upang hilingin ang bukas-palad na pag-aalay ng panalangin at penitensiya para sa mga kapwa.

Nawa dinggin natin ang panawagan ng ni Maria, ng Papa at ng Simbahan tungo sa mas malalim na malasakit sa mga kapuspalad, may karamdaman at mga nasa laylayan ng lipunan. Hipuin nawa ng Diyos ang ating puso sa patuloy na pagmimilagro ng Mahal na Birhen sa Grotto ng Massabielle maging sa ating panahon.

Sa huli, narito ang nakapapapalubag-sa-damdaming hirit ng Iglesya sa mga nanghihinawa sa pananampalataya ngayong pandemya: “The miracles of Our Lady at Lourdes are a wonderful refutation of the errors of our materialistic age of modern day atheists, leading us to declare her feast-day a ‘day of healing’.

Mahal na Birhen ng Lourdes, Ipanalangin Mo kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.