Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Working hour ng pulis babawasan

0 73

Balak bawasan ni Police chief. Gen. Camilo Cascolan ang kasalukuyang 12 oras na duty ng mga pulis sa 8 oras.

Ayon kay Cascolan, ito ay para bumuti ang kalusugan at kondisyon ng nasa 209,000 pulis sa bansa. Dagdag niya, bubuti rin ang productivity ng mga pulis sa balak na bawas oras na shift.

Pwede naman aniyang panatilihin ng mga police commander ang 12 hour shift pero may pagpipilian na pahabain ang rest period ng pulis mula sa kasalukuyang 16 hours patungong 24.

Sabi ng hepe sa isang press briefing, pwedeng magsagawa ng beat patrol ang kapulisan nang 8 oras at dagdag 4 oras para sa administrative duty. Pwede nang magpahinga nang 1 araw ang mga ito pagkatapos. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.